Mga kabombo! Isa ka ba sa mga aspiring mommy na?

Ano ang mga preparations mo bago ito sumapit?

Tila unexpected kasi ang sinapit ng isang misis sa Canada na parehong mula sa Bristol, Southwest England!

--Ads--

Paano ba naman kasi, nagawa pa umanong magbakasyon sa Toronto, Canada, ng couple sa loob ng 10-day road trip.

Ang couple ay kinilalang sina Helen and Michael Green.

Hanggang sa nang makarating na ang mga ito sa hotel na tutuluyan at mahimbing ang tulog ng mga ito, wala pang tatlong oras nang bilang nagising si Helen na masakit ang tiyan.

Dali-dali siyang tumakbo papuntang toilet.

Sa hindi niya malamang dahilan, nakaramdam siya ng urge na umire.

Ayon sa panayam ni Helen, wala umano siyang idea kung ano ang nangyayari.

Basta sinusunod na lang niya kung ano ang gusto ng kanyang katawan.

At matapos ang dalawang beses niyang pag-ire nang malakas, laking gulat niya sa nangyari dahil tumambad ang isang sanggol.

Dahil dito, nabigla rin ang asawa niyang si Michael nang makarinig ng umiiyak na sanggol.

Agad siyang tumawag ng emergency.

Ilang fire crew ang agad na dumating at inihatid sila sa Mount Sinai Hospital.

Ani Michael, pareho silang confused ni Helen dahil hindi nila lubos na madalumat kung ano ang nangyayari.

Pagbabahagi naman ni Helen, wala talaga siyang kaalam-alam na buntis ito.

Paliwanag naman ng mga doktor, ang naranasan ni Helen ay ang tinatawag ng mga medical professionals na “cryptic pregnancy.”

Hindi namamalayan ng babaeng may cryptic pregnancy siya dahil regular pa rin ang kanyang monthly periods sa panahon ng pagbubuntis.

Sa kaso ni Helen, bukod sa hindi lumaki ang kanyang tiyan, wala rin siyang naramdamang sintomas gaya ng paglilihi o pagsama ng pakiramdam paminsan-minsan.