Muling nagpakita ng aktibidad ang Bulkang Taal sa Batangas nitong bandang alas-7:00 ng gabi, Biyernes, Enero 9, 2029.
Nakapagtala ang Phivolcs ng minor eruption na may kasamang pagbuga ng sulfur dioxide.
Mas mataas ito kumpara sa karaniwang 78 metric tons na naitala noong nakaraang linggo.
--Ads--
Sa kabila ng pagtaas ng gas emissions, tatlong volcanic earthquakes lamang ang naobserbahan.
Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan, indikasyon ng mababang antas ng pag-aalboroto.
Pinapayuhan ang mga residente sa paligid ng lawa na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan.
Bagama’t hindi inaasahan ang malaking pagputok, nananatiling unpredictable ang kalagayan ng Bulkang Taal.










