BOMBO DAGUPAN – Pinaghahandaan na ngayon ng Minor Basilica of the Holy Rosary of Manaoag ang pagdalo ng Papal Nuncio mula sa Vatican City dahil sa pagsasagawa ng ordinasyon sa isang pari sa simbahan upang maging ganap na obispo.

Ayon kay Fr. Glen Mar Gamboa, Order of Preachers at isang Missionary sa nasabing simbahan, itinuturing na isang malaking kaganapan ang pagdating ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown bilang kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas para sa isasagawang ordinasyon kay Episcopate of Bishop- elect na si Rev. Fr. Napoleon “Jun” B. Sipalay Jr. bilang obispo ng Diocese ng Alaminos sa lunes.

Aniya na ito ay malaking kaganapan sa bayan lalo na sa mga mananampalataya sa simbahan kaya abala na ang mga tao sa pagsasaayos ng simbahan dahil inaasahan nilang madaming dadalo.

--Ads--

Kaugnay nito , mahalaga umano ang nasabing ordinasyon lalo na sa isang pari sa kanilang simbahan dahil hindi lahat ng pari umano ay nabibigyan ng pagkakataong ganito kaya isang karangalan ito sa lugar.

Samantala, nakahanda na din ang security plan ng hanay ng kapulisan sa pagbisita ng papal nuncio at magkakaroon sila ng augmentation mula sa Pangasinan Police Provincial Office at iba pang law enforcement agency para sa seguridad ng mga dadalo.

Fr. Glen Mar Gamboa, Order of Preachers and Missionary