Naidaos nang maayos at naging matagumpay ang isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) sa bayan ng Manaoag na mini-job fair nito lamang nakaraang linggo, na may layuning magbigay ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho.
Nasa 60 aplikante ng residente ng Manaoag ang lumahok sa nasabing aktibidad at 14 sa kanila ang agad na na-hire on the spot.
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palawakin ang oportunidad sa trabaho, magpapatuloy ang PESO Manaoag sa pagsasagawa ng job hiring sa bayan.
Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pag-iimbita sa iba’t ibang kumpanya upang mas maraming mamamayan ang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Dahil dito, hinihimok naman ng PESO Manaoag ang publiko na samantalahin ang ganitong mga job hiring events at patuloy na mag-monitor ng mga anunsyo para sa iba pang oportunidad sa trabaho.