Paunti unti nang lumalabas ang mga tao sa Madrid Spain matapos alisin ang ideneklarang state of emergency dahil sa Covid-19.
Ayon kay Bombo International correspondent Eva Tinaza mula sa Madrid, Spain, mas nakakatakot ngayon dahil hindi pa nahahanapan ng lunas ang nasabing sakit.
Bagamat unti unti nang bumabalik sa normal ang transaksyon ng ilang negosyo doon ay marami pang hindi nagbubukas na mga establisyemento.
--Ads--
Marami pa rin umanong ang hindi pa bumabalik sa trabaho.
Sa kanyang pagtaya ay tinatayang 2 million ang walang trabaho ngayon sa Spain.
Samantala, nabatid na nagprotesta na ang ilang mga Pinoy worker doon matapos hindi pa rin sila nakakatanggap ng ipinangakong pinansyal na tulong mula sa pamahalaan.