Nagsagawa ng panibagong military drills ang China sa karagatan ng Taiwan bilang umanong kaparusahan para sa pagsasalita ni Taiwanese President William Lai nang mangako itong ipaglalaban ang soberanya ng kanilang bansa.
Namataan ng Tawaian ang 34 naval vessels ar 125 aircraft sa palibot ng kanilang bansa.
Ayon naman sa People’s Liberation Army (PLA) na nakadisensyo ang kanilang pagsasanay para sa pag-atake sa Taiwan.
--Ads--
Gayunpaman, nagpatuloy pa rin sa normal na operasyon ang mga paliparan at porte ng Taiwan.
Matatandaan na inaangkin ng China ang Taiwan bilang parte nito at nangako si Chinese President Xi Jinping na pwersahang kukunin ang Taiwan kung kinakailangan.