Hindi kampante ang Migrante Philippines sa panibagong pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na boluntaryo na lamang ang pagbayad ng premiums sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa panayam Bombo Radyo Dagupan kasama ang Chairperson ng Migrante Philippines na si Arman Hernando, aniya na dapat alalahaning ito ay isang batas na nakapaailalim sa Republic Act (RA) 11123 o Universal Healthcare Act na may mga nakasaad na probisyon, at hanggang umiiral ang naturang batas maaari pa ring mabago ang porma at implementasyon nito.

Dagdag ni Hernando na isinusulong nila ngayon na maalis ang probisyong nagsasabi na singilin ng forced contribution ang mga Overseas Filipino Worker (OFW), lalo sa usaping compounding interest na naglalayong madagdagan ang kanilang babayadan kung sila ay lumagpas sa ibinigay na due date.

--Ads--

Dahil aniya, kung iyan ay matatanggal, yaong sinasabing boluntaryong pagbabayad ang magiging epekto non.

Lalo pa umano’t hindi naman talaga nagagamit ng mga OFW ang PhilHealth sa ibayong dagat.

Giit din ni Hernando na mayroon din umano silang mga mandatory insurances na kanilang binabayadan sa ibang bansa kaya huwag na sanang mas pahirapan pa ang mga naturang manggagawa.