Dagupan City – Ikinatuwa at tinawag na bunga ng mga Pilipino ng Migrante International ang pagpapauwi kay Mary Jane Veloso bukas sa bansa bandang alas-6 ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Arman Hernando, Chairperson ng Migrante international, resulta umano ito nang walang sawa at hindi pagsuko ng mga indibidwal at bawa’t grupo naniniwala sa pagpapalaya kay Veloso.
Sa loob kasi ng 14 na taon na pagkakabilanggo nito sa Indonesia dahil sa pagiging biktima ng human trafficking, nagdusa umano ito sa loob at muntik pang mahatulan ng kamatayan.
Sa kabila naman ng pagbabalik nito sa bansa, hindi anman nangangahulugan na tuluyan na itong mapapalaya, dahil kung matatandaan ay exchange in prison/ prison transfer lamang ang napagkasunduan ng pamahalaan ng Indonesia at bansa, nangangahulugan na ipagpapatuloy pa rin nito ang kaniyang kaso sa bansa.
Samantala, umaasa naman si Hernando na igagawad ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang clemency kay Veloso dahil siya lamang ang may kapangyarihan nito.
Gayon kung babalikan naman ang pangyayari noong taong 2010 kung saan ay nangyari ang pagkakatagpo ng droga sa bag nito at kalaunan ay napatunayan ding galing o inilagay ito ng kaniyang recruiter nang walang kamalay-malay.
Umaasa naman ito na hindi lang ito ang huling pagpapalaya sa mga Pilipinong nakakulong sa ibang bansa na naging biktima ng human trafficking kundi, ito ang magiging umpisa at daan tungo sa hangarin.
Tinawag naman niya itong double celebration, dahil ito na ang matagal niyang dalangin dagdag pa ang kaniyang pagkakapasa sa 2024 Bar examination.