Nagbukas na ngayon araw ang mid-term elections sa Estados Unidos.
Pinipilahan na ng mga botante sa New York ang pagboto sa kanilang bagong alkalde kung saan sinubukang makuha ni Zohran Mamdani ang pwesto at maging ang pinakabatang mayor sa loob ng isang siglo, sa edad na 34.
Katapat nito ang dating political rival ni US President Trump at ngayong ineendorso na si Andrew Cuomo.
Kung mapagtagumpayan ito ni Mamdani, maliban sa pagiging pinakabatang alkalde, siya rin ang kauna-unahang magiging Muslim mayor sa syudad.
Pinaglalabanan naman ang pwesto sa pagka-gobernador sa Virginia at New Jersey.
Sa New Jersy, magkatunggali sina Democrat Mikie Sherrill at Republican Jack Ciattarelli.
Habang sa Virginia, pinagboboti=ohan ang kauna-unahang babaeng gobernador sa pagitan nina Democrat Abigail Spanberger at Republican Winsome Earle-Sears.
Samantala, isang rare mid-decade destricting ang nagaganap na halalan sa California.
Ito ay matapos subukang salungatin ng mga Democrats ang efforts ng Republicans na magkaroon ng advantage ang kanilang partido sa susunod na midterm elections para 2026.










