Dagupan City – Pormal na ring nanumpa ang mahigit 60 estudyante bilang 2025 ‘Manlingkor Ya Kalangweran’ dito sa lungsod ng Dagupan.
Kung saan ang seremonya ay pinangunahan ng alcalde ng lungsod na si Mayor Belen Fernandez para sa pagsisimula ng kanilang panunungkulan at magiging katuwang sa mga proyekto at programa ng syudad kung saan isang taon ang itatagal ng kanilang termino.
Ang mga young city officials ay mula sa iba’t iba’t paaralan sa syuadad.
Ang Manlingkor Ya Kalangweran (MYK) ay isang programa na naglalayong bigyan ang mga kabataan ng oportunidad na makilahok sa pamamahala ng mga barangay at lungsod. Ang layunin nito ay mapaunlad ang kanilang mga kakayahan at kaalaman sa pamamahala at paglilingkod sa publiko.
Ang mga miyembro ng MYK ay sumasailalim sa mga training at orientation upang maging handa sa kanilang mga gawain at responsibilidad.
Layunin nito na hubugin ang mga kabataan bilang mga lider at tagapagtaguyod ng pagbabago sa kanilang mga komunidad