BOMBO DAGUPAN – Idinulog na sa Cyber Crime at National Bureau of Investigation ang reklamo ng mga tricycle dribers na biktima ng mga scammers sa bayan ng Malasiqui, lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PLT.COL. Edgar Palaylay, chief of police sa Malasiqui PNP, ayon sa reklamo ng mga tricycle driber, pinadalhan umano sila ng supbpeona na galing sa Davao at Baguio, kung saan lumalabas na may utang silang halos kalahating milyon at isang milyong piso.

Lumalabas sa imbestigasyon na noong 2020, may grupo ng kalalakihan ang pumunta sa terminal at namigay ng P150 para sa kanilang pirma at photo copy ng kanilang ID.

--Ads--

Marami umano ang pumila at nabigyan at halos lahat umano ng tricycle dribers ay nakapag bigay ng pirma at xerox ng kanilang ID.

Hinihinalang nagamit ang pangalan nila para makapag loan sa bangko ang mga suspek na nasa likod ng identiy theft.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag ugnayan nila sa mga nabiktimang tricycle dribers para matunton ang mga suspek.

Dahil matagal nang nangyari, medyo nahihirapan ang mga otoridad pero tinitignan nila kung sino ang nag apply ng loan para sa kanila at may hinala ring inside job o may kasabwat sa bangko ang mga ito