Patuloy na nagkukumahog ang mga bumbero sa pag apula sa laganap pa rin wildfire sa Spain.
Ayon kay Eva Tinaza, Bombo International News Correspondent sa Spain, hindi nakasapat ang ang buhos ng ulan para maapula ang sunog sa mga gubat.
Sa kanyang obserbasyon ay malawak na ang pinsala ng sunog sa ilang bahagi ng Spain.
--Ads--
Sa ngayon ay binabantayang maigi umano ang mga naglalakbay ng tren at bus papuntang north-west Valencia dahil sa nagaganap doong wildfire.
Ito ay kasunod ng pagkakasunog ng isang tren doon.
Nadamay ang nasabing pampasaherong train ng nagaganap na wildfire sa lugar.
Kasalukuyan pang ginagamot sa ospital ang nasa 10 katao na sakay ng train.