Nababahala na ang pamunuan ng AUTO PRO Pangasinan chapter sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Umabot na sa higit P40 ang kada litro ng diesel kaya apektado ang transport group.
Dahil sa inasahang paggalaw sa presyo ng petroleum products ngayong araw ng Martes, marami ang nagpakarga sa ilang gasolinahan simula kahapon.
--Ads--
Mula Enero 1, 2019 hanggang sa kasalukuyan ay halos P7 na ang itinaas ng kada litro sa gasolina , P5 sa diesel at P4 naman sa kerosene.
Samantala, ayon sa LTFRB region 1, malabo pa na maipatupad ang P2 fare increase dahil hindi na naibababa ng LTFRB central office ang resolution papunta sa rehiyon.