DAGUPAN CITY- Sama sama at nagtutulungan ang mga teaching at non teaching staff ng Carael National High School katuwang ang mga magulang, estudyante at iba pang mga volunteers group para sa brigada eskwela 2025
Ayon kay Jose Cardoso ang siyang principal IV ng Carael National High School na bagama’t marami pa ang kailangan ayusin ay nakahanda naman ang kanilang paaralan para sa pasukan at natitiyak naman nila na magiging maayos na ang mga gagamiting bawat classroom at mga upuan.
Kung mayroon man silang nagiging problema ito ay ang kakulangan pagdating sa pasilidad lalo na at umaabot na rin sa 1000 ang mga mag-aaral sa Carael National high school kaya naman maging ang mga lab classroom ay nagagamit na ng mga ito.
Kaugnay nito ay nakipag ugnayan na rin sila sa Lokal na Pamahalaan para sa karagdagang pasilidad nang sa gayon ay tuloy tuloy at matutukan ang pag-aaral ng mga bata.
Bukod naman sa paglilinis at pag-aayos ay kanila ring tinutukan ngayon ang reading assessment para sa mga mag-aaral na kailangan matutukan at matulungan sila sa pagbabasa.
Samantala nanawagan naman ito sa mga stakeholders na makiisa at suportahan ang brigada eskwela ngayong taon.