Umaabot na sa 85-95 porsyento ng mga taong nakakain ng sinasabing rabies affected na karne ng baka sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan ang nabakunahan.
Una rito, kinumpirma ng Municipal Health Office na nagpositibo sa rabies ang 2 baka na kinatay sa barangay Parian.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Joseph Anthony Laranang, Municipal Health officer sa bayan ng Mangatarem na umabot na sa 265 ang kanilang nabakunahan na mula sa barangay Parian, Pantocaling, Ponglo Muelag, Ponglo Baleg at barangay Pampano.

Matapos umanong magpositibo sa test ang 2 baka, lahat umano ng nakabili at kumain ng karne ay pinagsabihan na kailangan na magbakuna.

--Ads--

Samantala, may isa pa silang hinihintay na magpabakuna. Ito umano ay umakyat ng bundok at hinihintay nila itong bumaba para mabakunahan sa center.