DAGUPAN CITY- Magkakaroon ng gathering o rally ang mga Filipino Community sa The Hague at kalapit lugar, sa Netherlands sa nalalapit na pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Emilyn Jacob, Bombo International News Correspondent sa Netherland, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, karamihan sa mga dumadalo upang magpakita ng suporta ay ang mga Filipino na tubong Visayas at Mindanao.

May iba ring mga foreigners na sumasali, subalit ito ay maaaring asawa lamang ng Pilipinong kasama sa rally.

--Ads--

Sinabi rin ni Jacob na bagaman may ganitong kaganapan, masasabi pa rin “peaceful” ang kanilang lugar dahil sa nakahanda ang seguridad ng bansa.

Dagdag pa niya, hindi niya naman nakikitang apektado ang mga residente ng Netherlands ngayong nalalapit na ang pagdinig sa kaso ng dating pangulo.