Laoac, Pangasinan – Nakilala na ang mga suspek sa naitalang serye ng nakawan sa bayan ng Laoac, Pangasinan.

Ayon kay Laoac Mayor Ricardo Balderas, palaisapian umano kung sino ang mga kumukuha ng mga alahas, iba pang kagamitan na paulit-ulit na inirereklamo sa bayan.

Kung kaya’t nagsagawa ang kanilang lokal na pamahalaan katuwang ang hanay ng kapulisan sa bayan ng imbistigasyon at pagtutok sa kriminalidad.

--Ads--

Kabilang na kasi sa mga ninakaw ay ang 4 na baterya ng motorpool kung saan ay hinihinalang madaling araw isinasagawa ang kriminalidad.

Dahil na rin sa pagtutok ng kanilang hanay, matapos makabili ng bagong baterya, hinala ng mga ito na babalikan muli ito ng mga suspek.

Hanggang sa pagsapit nga ng ,adaling araw, doon na tumambad ang ilegal na pangunguha ng mga ito na kinilalang mga kabataan at puro menor de edead.

Hinala naman ng mga opisyal, maaring sa impluwensya ng mga barkada kaya nagagawa ang ilegal na gawain dahil lumalabas na wala naman umanong motibo ang mga ito.

Samantala, bagama’t drug free na ang bayan, ay patuloy pa rin ang isinasagwang pagtutok ng kanilang ahensya.