Naaresto na ang mga suspek sa brutal na pagpatay sa mag-iina sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ng PNP Bulacan ang dalawang suspek na sina Wilson Cortes at Joselito Cortes.

Unang umamin ang suspek na si Wilson na sila ang nasa likod ng krimen sa pagpatay sa ginang na si Jaymee Casabuena Biding, 28 anyos , isang single parent at sa dalawang anak nito na edad apat at walong taong gulang.

--Ads--

Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pagpatay sa biktima lalo nang bukas umano ang isa sa mga drawer sa loob ng bahay.

Nauna rito nagtungo ang tatay ng biktima para sunduin sana ang kanyang anak at mga apo dahil paparating ang isa nilang kaanak mula sa Abu Dhabi.

Pero laking gulat na lamang niya nang matagpuang patay na ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Carissa Homes.

Hinihinala ring posibleng ilang oras nang patay ang mga biktima bago matagpuan dahil tuyo na ang mga dugo sa loob ng pinangyarihan ng krimen.