Tiniyak ni Major General Alfredo Rosario, commander 7th Infantry Division na laging nakahanda ang mga sundalo upang protektahan ang bansa.

Ayon kay Rosario, sa kabila ng nagpapatuloy na humanitarian mission sa mga lugar na labis na sinalanta ng mga nagdaang bagyo, ay committed pa rin sila sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Samantala, umaasa naman si NOLCOM Commander Lieutenant General Arnulfo Marcelo Burgos Jr, na ang nangyaring enkuwentro sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan ay magbibigay daan para mas piliing mabuhay ng mapayapa ang mga natitirang NPA terrorists at i- avail ang Enhanced – Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno kasama ang kanilang pamilya.

--Ads--

Siniguro pa ni Burgos na lahat ng mga, sailors, airmen at marines ay naka focus sa kanilang mandato at committment na magsagawa ng humanitarian mission anumang oras at saan mang lugar.