Nagpanic ang mga simbahan at nagpatunog ng kani-kanilang kampana kung saan dinig ang kanilang pakikidalamhati sa pagpapanaw ni Pope Francis.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jessie Andino Games – Bombo International News Correpondent sa bansang Italy nagulat ito na matapos buksan ang kanilang telebisyon ay ito agad ang nakita sa balita.

Bagama’t ay walang masyadong tao ngayon sa Italy dahil katatapos ng Holyweek at marami paring nasa bakasyon ay makikitang walang masyadong sasakyan sa kakalsadahan roon.

--Ads--

Subalit ang ilan ay nagtungo mismo sa Vatican matapos maipaulat ang balita.

Lubos namang hinangaan ni Games si Pope Francis marahil noong nagtungo siya sa Rome ay hindi na nakakalakad ang Santo Papa subalit pinipilit parin niyang magmisa.

Limitado din ang pagpapasok noon sa Vatican lalo na kapag umuulan at kapag misa mismo ni Pope Francis.

Sa ngayon ay wala pang balita sa mga isasagawang aktibidad kaugnay sa pagpanaw ng Santo Papa.