DAGUPAN CITY- Pagtuloy pa ang pagtago ng mga sibliyan sa Tel Aviv, sa Israel sa shelter matapos makaranas muli ng pag-atake ng ballistic missile mula sa Iran.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Shay Kabayan, Bombo International News Correspondent sa Israel, biyernes pa ng madaling araw nang mag-umpisa ang pag-atake sa nasabing lugar hanggang sa magtuloy-tuloy ito.

Aniya, nagdulot ito ng pangamba sa kanila na nasa lugar at hindi sila nakakatulog dahil sa takot na maaaring matamaan sa susunod na pag-atake.

--Ads--

Ipinagpapasalamat na lamang ni Kabayan na wala pang naitatalang Pilipino na nadamay o nasawi mula sa nasabing pag-atake.

Sa kasalukuyan ay tahimik at walang mga sibilyan na makikitang palakad-lakad sa kakalsadahan.