Dagupan City – Nag-iwan ng malawakang pinsala anv Bagyong Uwan sa mga shed sa baybayin ng San Fabian, na ngayon ay nagdudulot ng malaking problema sa kabuhayan ng mga residente.
Isa si mang Rodrigo Vidal, dating kapitan ng barangay Nibaliw Vidal at isa sa mga apektado, kung saan ay hindi bababa sa sampung shed ang napinsala sakanya.
Nagsimulang na rin silang mag-ayos ng mga natirang bahagi ng kanyang mga shed gamit ang sariling ipon. Unti-unting sinusuri ang mga natitirang materyales upang muling makapagsimula bago sumapit ang holiday season.
Kabilang din si Mang Danny Bauson sa mga labis na naapektuhan. Dahil sa pagkasira ng kanyang mga shed, mapipilitan umano siyang ihinto muna sa pag-aaral ang dalawa niyang anak na parehong graduating.
Ngayon, umaasa na lamang si Mang Danny at iba pang shed owner sa muling pagtatayo ng kanilang mga negosyo, habang patuloy na nananawagan sa lokal na pamahalaan ng agarang tulong upang makapagsimula muli.
Patuloy naman ang pagtutok ng mga awtoridad sa lawak ng pinsalang iniwan ni Bagyong Uwan at sa mga hakbang upang maibsan ang epekto nito sa kabuhayan ng mga residente.










