Isang seryosong paglabag sa immigration law ang pagkakasa o nasasangkot sa mga marriage fraud upang makakuha lamang ng green card sa Estados Unidos.
Ito ang pahayag ni Bombo International Correspondent Atty. Arnedo Valera, isang immigration lawyer sa nabanggit na bansa kasunod ng napaulat kamakailan na 11 na katao na nasangkot sa naturang transakyon at 6 sa mga nahuling indibidwal ay mga Pilipino.
Ayon kay Valera, naiakyat na sa korte ng US ang kaso ng mga ito at kasalukuyan na itong dinidinig.
Aniya, anumang alegasyon ng fraudulent marriage ay maaring kumaharap sa mabigat na kaparusahan gaya na lamang ng 5 taon na pagkakakulong, 3 taon na supervised release, at multa na aabot ng nasa 200,000 US dollars o katumbas ng mahigit 10 milyon pesos.
Maliban pa dito, maari ding kumaharap sa permanent ban para di na makakuha ng US permanent status at disqualification na makakuha ng lawful status ang mga foreign nationals na sangkot dito habang maari ring makulong ang mga US citizen na sangkot dito.
Saad ni Valera, maraming mga nabibiktima ng marriage fraud dahil sa mga hindi legal na transaksyon ng ilan sa iba’t ibang social media platforms lalo na sa facebook.
Kaya babala naman siya sa mga nais na pumasok sa pagpapakasal sa mga US citizen na mas mainam na sumangguni sa mga liscense immigration lawyers dahil sila ang mas higit na nakakaalam ng tamang proseso upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.