DAGUPAN CITY- Ipinaliwanag ni Dr. Anna Marrie Teresa De Guzman, Provincial Health Officer ng Provincial Health Office sa lalawigan ng Pangasinan ang mga maaaaring maidulot na sakit mula sa pagtaas ng heat index sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa panayam niya sa Bombo Radyo Dagupan, maaaring maging sanhi ng matinding pagpapawis ang Heat cramps dahil umano sa kakulangan sa electrolytes dulot ng paglabas ng ions ng katawan.
Sa oras naman na nakakaramdam ng panlalamig at pamumutla ng mukha ay senyales naman ito ng Heat Exhaustion kung saan magdudulot naman aniya ito ng paghina ng pulso, pagkahilo, at pagsusuka.
Tataas naman aniya ito sa Heat Stroke kung saan ang isang tao ay nagkakaroon na ng kumbolsyon kung saan maliban sa mg naunang nabanggit ay nakakaranas na ito ng pagkalito o confusion.
Upang makaiwas aniya sa mga ito, iwasan ang pagpunta sa direktang natatamaan ng araw. Pahiran naman ang katawan ng basa na tela upang humupa ang init na nararamdaman ng katawan. Ugaliin naman ang pag inom lagi ng tubig upang malabanan ang pagkauhaw.
Inirerekomenda naman ni Dr. De Guzman ang pag inom ng sports drink dahil sa taglay na ion nito.
Makatutulong naman aniya ang preskong damit upang magkaroon ng maayos na ventilation ang katawan.
Maliban sa mga iyan, nagiging sanhi naman ng mainit na panahon ang pagtaas ng presyon ng blood vessle kung saan magdurugo ang ilong o nose bleeding.
Samantala, mainit na panahon din ang salarin sa pagkakaroon ng kuto ng isang tao kung saan maaari itong magdulot naman ng impeksyon sa parteng masusugatan nito.
Ani Dr. De Guzman, proper hygiene lamang ang pupuksa sa pagkakaroon nito at maiwasan ang pagkakaroon ng hawaan.
Sa kabilang dako, binabantayan na ng kanilang himpilan ang mga maaaring mga sakit na makuha ngayong summer season.
Kabilang na dito ang food and water bourne diseases at heat associated ailments, partikular na ang sore eyes, tigdas, dengue, at malaria. Gayundin aniya ang pagtaas ng kaso ng pertussis sa bansa.