Maswerteng hindi nasaktan o nasawi ang mga sakay ng trailer truck at isang kotse sa nangyaring banggaan sa bayan ng Binalonan sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa ulat ng Binalonan Municipal Police Station, nagmula ag trailer truck sa San Fernando City sa lalawigan Pampanga, habang ang kotse naman ay mula sa bayan ng Pozorrubio na minamaneho ng isang retiradong seaman.
Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na magkasalubong ang dalawang sasakyan kung saan patungo sanang Binalonan ang trak, habang ang kotse naman ay papuntang Asingan.
Pumasok umano sa linya ng truck ang kotse, na naging sanhi ng kanilang banggan.
Sa kabutihang palad, parehong walang tinamong sugat ang mga driver, ngunit dinala parin sila sa pagamutan bilang standard protocol ng mga awtoridad.
Bagama’t parehong may nasira sa mga sasakyan, inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga sasakyan para sa dokumentasyon at imbestigasyon.










