DAGUPAN, CITY— Labis ang panghihinayang ng mga residente sa brgy. Pantal, Dagupan City sa kanilang mga natupok na mga ari-arian dahil sa nangyaring sunog kahapon.

Mangiyak-niyak na ibinahagi ni Lourdes Labongray, isa sa mga residente ng naturang barangay na nasunugan, sa Bombo Radyo Dagupan ang kanyang pagkadismaya dahil sa nangyaring sakuna sa kanilang compund kung saan nga ay natupok ng apoy ang kanilang mga kabahayan.

Nasunog rin kasi aniya ang halos lahat ng kanilang mga kagamitan na kanilang ipinundar sa loob ng 30 taon nilang paninirahan sa naturang lugar.

--Ads--

Bagaman ganoon umano ang nangyari ay tinanggap na lamang nila ang sitwasyon at ang importante aniya ay ligtas silang mag-anak.

Nanawagan naman si nanay Lourdes na matulungan sila ng pamahalaang panlungsod ng Dagupan ukol sa kanilang pangangailangan lalo na umano sa kanilang bagong matitirahang bahay.