BOMBO DAGUPAN- Nag utos ng paglikas ang mga otoridad ng Ukraine sa Donbas Region dahil sa patuloy na pag abante ng Russian Forces sa silangan bahagi ng kanilang bansa, sa kabila ng pagpaaptuloy na opensa ng Ukraine sa Kursk Region ng Russia

Sapilitan papalikasin umano ng mga opisyal ang mga naninirahan sa Pokrovsk at mga kalapit lugar nito.

Binigyan naman sila ni Serhii Dobriak, ang head military government ng nasabing lugar, ng 2 linggo para lumikas.

--Ads--

Ang Pokrovsk ang isa sa mga main defensive strongholds ng Ukraine at key logistical hub para sa mga tropa ng Kyiv sa eastern front.