DAGUPAN, CITY— Pansamantalang inilipat ng tirahan ang ilang mga residente na nakatira sa gumuhong condominium sa Surfside Florida.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent, Estella Fullerton sinabi nitong ang 12 storey building ay isang condominium kung saan mayroon itong 136 units at ang 55 units nito ang bumagsak.
Dahil rin daw sa lokasyon nito na malapit sa Miami Beach, kaya’t ang condo ay napupuno ngayon ng mga turista mula sa Argentina at Israel.
Hindi pa rin umano kumpirmado kung ang dahilan ng pagkakabagsak nito ay dahil sa nagaganap na konstruksyon sa bubungan ng gusali.
Dagdag ni Fullerton ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng pagkakaguho ng 40 taong gulang na gusali.
Sa inisyal naman na balita ay naitalang 10 ang mga kataong nasugatan na agad namang dinala sa ospital.