DAGUPAN CITY– Binalaan ang mga residente na may karamdaman sa California USA na huwag lumabas ng bahay dahil sa tindi ng usok dala ng wilfire na nararanasan doon ngayon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Florentino Menor na matagal nang naninirahan sa San Ramon Hills California USA na tubong Dumpay Basista Pangasinan, bagamat 25 hanggang 30 miles ang layo nila sa wildfire ay hirap pa rin sila doon dahil sa tindi ng usok.
Hirap rin ang mga residente doon natatakpan ng usok ang kanilang paligid.
Aniya kapag nilamon na ng apoy ang mga tahanan doon ay wala nang magagawa ang mga residente.
Maging ang mga hayop ay inililikas din.
Bilib naman ito sa respondi ng pamahalaan sa mga residente na kailangan nilang ilikas.
Bawat location ay may designated na fire department na rerespondi at mayroon ding airial support.
Pero dahil sa lakas ng hangin at lawak ng lugar ay madaling kumakalat ang apoy.
Ang kagandahan aniya ay regular silang naabisuhan kung saan na patungo ang apoy kung saan agad na nagsasagawa ng paglilikas sa mga residente lalo na sa mga matatanda.
Inihayag naman ni Menor na may pagkakataon na humuhupa ang apoy ngunit kapag uminit na naman ang panahon at sinabayan pa ng hangin ay muli itong kumakalat.
Dahil dito ay pinapahintulutan na magwork from home na rin sila lalo’t sinasara ang kalsada na apektado ng wildfire.