Nakahanda na ang mga relief packs na ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 sa mga biktima ng bagyong Crising sa rehiyon.
Ayon kay Leah Mylen Lucero, Chief ng Disaster Response Management Division ng (DSWD) Field Office 1, sa ngayon ay mayroong 86,457 na family foods packs na nakahandang ipamahagi sa 18 prepositioning sites.
Sinabi nito na nakapreposition na ang mga ito at handang ibigay kung mangangailangan na ang mga lokal na pamahalaan para sa augmentation.
Samantala, maliban sa food packs ay mayroon ding non – food item gaya ng hygiene kit, family kit, kitchen kits at mayroon na ring na standby funds ang ahensya.
Ang mga ipinamamahagi na family foods packs ay naglalaman ng ng 6 kilo ng bigas,mga canned goods, kape at cereal drinks.
Binigyang diin pa niya na bawal ibenta at bawal ding irepack ang mga ito.
Ipinaliwanag ni Lucero ang pagtukoy sa mga mabibigyan ng relief goods kung saan ay nirereport aniya ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Council sa tanggapan ng Social Welfare Devellopment Office ang mga apektado sa kanilang nasasakupan at inaasess kung sino ang mga affected families na uunahing mabibigyan ng tulong.