Sinunog ng mga rebelde sa Syria ang libingan ng ama ng dating presidente ng nasabing bansa na si si Hafez al-Assad.
Ang nasabing hakbang ay itinuturing ng mga rebelde bilang tugumpay at patuloy na kahbang laban sa nasabing dating namumuno.
Samantalang nagbabalik na sa normal ang buhay sa kabiserang lungsod ng Damascus, unti-unting binubuksan ang mga tindahan at muling nagsisimula ang mga tao sa kanilang araw-araw na gawain.
Sa ibang bahagi ng Syria, inangkin ng mga pwersa ng rebelde ang kontrol sa Deir al-Zour, isang lungsod na mayaman sa langis, mula sa mga pwersa ng Kurdish, bilang bahagi ng kanilang stratehiya na tiyakin ang kontrol sa mga likas na yaman ng bansa.
Samantala, isang malungkot na balita ang dumating mula sa Kabul, Afghanistan, nang nasawi sa isang suicide bombing si Khalil Haqqani, ang ministro ng refugee ng Taliban.
Nangyari ang pagsabog sa loob ng Ministry of Interior, na ikinasawi rin ng anim pang tao.