DAGUPAN City— Nagbigay ng bagong requirements sa mga borders ng lalawigan na dapat magpakita ng medical certificate mula sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Health Office (PHO) Director, Anna Marie De Guzman na kung sakaling walang maipakitang medical certificate, hinihikayat ang nagnanais na makapasok sa probinsiya na pumayag na magpunta sa pinakamalapit na ospital o rural health office para masuri ng mga doktor na siyang magce-certify para payagan silang makapasok sa probinsiya.

Samantala, bagaman wala pang opsisyal na direktiba mula sa Gobernador ng Pangasinan na si Amado “Pogi” Espino III, malaki ang posibilidad na matuloy ang Halfway House o Hospital Isolation Extention sa barangay Tebag East, bayan ng Sta. Barbara, batay ‘yan sa pananaw ni PHO Director, Anna Marie De Guzman.

--Ads--

Layunin umano ng Hospital Isolation Extension ay upang ma-decongest ang mga ospital upang makatanggap pa ng mga bagong PUIs.