DAGUPAN CITY – Inaasahang paunti-unti nang mareresolba ang problema sa baha sa mga proyektong patuloy na isinasagawa sa lungsod ng Dagupan.
Kabilang na rito ang ang pagsasagawa ng elevation of road at drainage system bilang paghahanda sa tag-ulan.
Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya ay malayo pa sila sa porsyento upang hindi na tuluyang makaranas ng pagbaha sa lungsod dahil nahinto umano siya ng 3 taon sa termino bilang alkalde ngunit pagbalik niya ay agad itong gumagawa ng kaparaanan kahit papano upang maibsan ang ganitong problema.
Kaugnay nito ay ang dapat umanong solusyon sa baha ay pagsasagawa ng dredging kung saan nasimulan na nila noon, pangalawa ay ang pagsasaayos ng mga creeks at pangatlo ay pagsasaayos ng mga flood gates at pumping station dahil walang maayos na nagawa sa problemang ito dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagkalubog sa baha ng lungsod.
Matatandaan na unang linggo palang ng Mayo ay nakakaranas na ng pag-uulan na nagsanhi ng kaunting pagbaha sa ilang porsyon ng MH. Del Pilar Street at AV Fernandez Avenue na nagsanhi naman ng pagkastranded ng ilang sasakyang dumadaan dito.