Nagpapatuloy ang protesta ng mamamayan sa bahagi Colombo sa kabila ng pagbaba ni Pangulong Gotabaya Rajapaksa sa gitna ng tumitinding demonstrasyon kaugnay sa krisis sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Priscila Wijesooriya – BINC mula sa Sri Lanka, halo halo ang emosyon ng mga protesters kung saan may galit at masaya.
Sa ngayon ay hindi kayang kontrolin ng pamahalan ang pagproprotesta ng taumbayan dahil sa economic crisis.
--Ads--
Handang magbuwis ng buhay ang mga tao dahil sa kahirapan.
Sinabi ni Wijesooriya na nanatiling sobrang mahal ng mga bilihin at may mga negosyante na nagsara na ng tindahan.
May mga malalaking negosyante naman ang nagbibigay ng tulong sa mga taong mahihirap.
Samantala, umaasa silang maisagawa ng maayos ang eleksyon doon sa July 20.