Sumiklab ang mga protesta sa Israel matapos sibakin ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang Defense Minister ng bansa na si Yoav Gallant.
Sinabi ni Netanyahu na ang isang “krisis ng tiwala” sa pagitan ng dalawang pinuno ay humantong sa kanyang desisyon, at idinagdag na ang kanyang tiwala kay Gallant ay “bumaba” sa mga nakaraang buwan at ang Foreign Minister na si Israel Katz ay papasok upang palitan siya.
Saad naman ni Gallant na ang kanyang pag-alis ay dahil sa hindi pagkakasundo sa tatlong isyu, kabilang ang kanyang paniniwala na posibleng maibalik ang natitirang mga hostage mula sa Gaza kung ang Israel ay gagawa ng “painful concessions” na “kaya nitong tiisin”.
Maraming mga nagpoprotesta sa mga lansangan ang nananawagan para kay Netanyahu na magbitiw, at hinihiling sa bagong ministro ng depensa na unahin ang isang hostage deal.
Matagal nang nagkaroon ng divisive working relationship si Netanyahu at Gallant.