DAGUPAN CITY- Patuloy na isinusulong ng pamahalaang lokal ng syudad ng Dagupan ang kalusugan ng mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang mga programa.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, bumibisita sila sa bawat kabahayan upang matutukan ang mga bata at matatanda, partikular na sa kanilang kalusugan.

Sa pamamagitan nito, matutugunan nila ang mga pangangailangan ng mga residente tulad na lamang ng mga nagkakasakit.

--Ads--

Kaya patuloy din ang kanilang pagsulong sa mga programa pangkalusugan. Isa na rito ang kanilang pagpapatayo ng Mother and Child hospital.

Makakatulong umano ito sa pangangalaga ng mga ina sa kanilang ina, lalo na sa tuwing kinakailangan nilang isantabi ang mga sariling pangangailan para sa kanilang anak.

Sa pamamagitan naman ng junior health advocate, aalamin sa pagtatanong sa anak kung may sakit naman ang kanilang ina.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na sila sa iba’t ibang opisina para mas mailapit pa sa mga residente ang mga serbisyo.