BOMBO DAGUPAN- Tiniyak ng Agri-Partylist sa publiko ang patuloy na pagsulong ng programang pangkalusugan.

Ayon kay Agri-Partylist representative Wilbert Lee, lalo nilang pagbubutihin ang kanilang layunin partikular na sa pagpapabuti ng buhay ng mga pilipino lalo na sa pangkalusugan.

Kaya sa kanilang pagsisimula sa PhilHealth, babantayan aniya nila sa mga susunod na araw ang budget ng Department of Health.

--Ads--

Kaugnay nito, bukas din ang kanilang tanggapan para sa mga nangagailangan ng medical assistance tulad ng wheel chair, walker, medicines, atbp.

Saad niya na maaari siya padalhan ng mensahe sa kanilang social media account at ipapadala nila ito sa ngangailangan.

Samantala, sinabi naman ni Lee na inspirasyon niya ang kaniyang ama para isulong ang kanilang mga layunin.

Ang mga aral mula sa ama ang kaniya din umanong ibinabahagi sa mga kabataan.