DAGUPAN CITY- Isang magandang daan ang mga programang may conditional programs sa bansa upang maiwasanan ang pag-abuso sa mga binabansagang social programs.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Emmanuel Joseph Cera, isang Constitutional Lawyer, may karapatan ang Pangulo sa anomang desisyon na kaniyang gagawin ukol sa unused dahil sa kapangyarihang ibinigay sa kaniya na naaayon naman sa kaniyang polisiya at adhikain para sa bansa.
Aniya, tila naaabuso sa na rin ang ayuda ng gobyerno para sa mga mamamayan kung saan ay wala nang kondisyon ito hindi tulad nitong mga nakaraang ipinaiiral na polisiya.
Dagdag niya, isinasaalang-alang din ng Pangulo ang kalagayan ng bansa lalo na at nalalapit na ang eleksiyon upang huwag maabuso ang mga binabansagang social pograms.
May mga programang estriktong ipinapatupad ng executive branch, ngunit may mga prgramang naggagaling pa rin sa mga legislative body, tulad ng mga Senador at mambabatas.