BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng Department of Information and Communication Technology ang mga programa, proyekto at serbisyo para sa digitalization program ng pamahalaan sa kanilang ginanap na Regional Roadshow 2024 sa Provincial Training and Development Center II sa bayan ng Lingayen.
Pinangunahan nga ito ng rehiyon uno sa pamumuno ni June Vincent Manuel S. Gaudan, OIC Regional Director, DICT Region 1.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay buong suporta daw ng pangulo ang mga programa at proyekto na kanilang isinasagawa upang maibigay sa taumbayan ang mas mabilis na serbisyo gayundin upang lumawak pa ang atin mga information systems.
Aniya na nauna na nilang naisagawa ang tinatawag na electronic i.d na nasa eGov app na kung saan ay magagamit ito upang maverify na ikaw ay pilipino sa pamamagitan lamang ng paggamit ng iyong cellphone.
Kaugnay nito ay marami pa silang mag proyektong nakaline-up upang mas mapalago ang kaalaman sa teknolohiya sa bansa gayundin ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa pamamagitan ng “digitalization”.