Mga programa ng Bombo Radyo Philippines, muling pumasok bilang finalist sa 2026 KBP Golden Dove Awards

Pasok sa finals ng iba’t-ibang kategorya ng 2026 KBP Golden Dove Awards ang 11 entries ng Bombo Radyo Philippines, na gaganapin bukas, September 30, alas-sais ng gabi.

Kabilang dito ang Bombo Radyo Iloilo para sa Best AM Radio Station – Provincial, Star FM Manila para sa Best FM Radio Station – Metro Manila, at Star FM Bacolod para sa Best FM Radio Station – Provincial.

--Ads--

Pasok din sa Best Newscast – Metro Manila ang Bombo Network News, habang maglalaban naman sa Provincial category ang Bombo Radyo CDO at Bombo Radyo Iloilo.

Kabilang din sa mga finalist ang Bombo Radyo Cebu para sa Best Special Program, Bombo Radyo Koronadal para sa Best Sports Program, Star FM Baguio para sa Best Public Service Announcement, at Bombo Radyo Roxas at Star FM Baguio para sa Best Radio Station Promotional Material.

Ang pagkakapili sa 11 entries bilang finalists ay pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng Bombo Radyo Philippines na mapanatili ang kahusayan sa pagbabalita, broadcasting at paghahatid ng serbisyo publiko sa buong bansa.Pasok sa finals ng iba’t-ibang kategorya ng 2026 KBP Golden Dove Awards ang 11 entries ng Bombo Radyo Philippines, na gaganapin bukas, September 30, alas-sais ng gabi.

Kabilang dito ang Bombo Radyo Iloilo para sa Best AM Radio Station – Provincial, Star FM Manila para sa Best FM Radio Station – Metro Manila, at Star FM Bacolod para sa Best FM Radio Station – Provincial.

Pasok din sa Best Newscast – Metro Manila ang Bombo Network News, habang maglalaban naman sa Provincial category ang Bombo Radyo CDO at Bombo Radyo Iloilo.

Kabilang din sa mga finalist ang Bombo Radyo Cebu para sa Best Special Program, Bombo Radyo Koronadal para sa Best Sports Program, Star FM Baguio para sa Best Public Service Announcement, at Bombo Radyo Roxas at Star FM Baguio para sa Best Radio Station Promotional Material.

Ang pagkakapili sa 11 entries bilang finalists ay pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng Bombo Radyo Philippines na mapanatili ang kahusayan sa pagbabalita, broadcasting at paghahatid ng serbisyo publiko sa buong bansa.