BOMBO DAGUPAN – Naging sentro ng state of the municipal address (SOMA) ni Bayambang mayor Nina Quiambao ang mga programa at proyekto na nagawa sa ilalim ng Quiambao administration sa taong 2023-2024.
Sa kanyang ikalawang taon ng pamamahala bilang kauna-unahang babaeng Mayor ng bayan ng Bayambang, ipinagmalaki niya ang napakalaking pagbabago, at patuloy na progreso.
Kabilang sa mga pinagtuunan ng pansin ang programa para sa mga sambahayan na mababa ang kinikita buwan buwan.
Aniya sa loob lamang ng isang taon, mula June 2023 hanggang June 2024, sa ilalim ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon ay marami ang nasimulan gaya ng pagtutok at pagpapahalaga sa edukasyon.
Sa katunayan, mayroong P8,593,000 na budget ngayong taon kung saan ginagamit ito sa sektor ng edukasyon. Bilang patunay ng personal na dedikasyon sa edukasyon ang buong sweldo bilang mayor ay kanyang idinonate sa sektor ng edukasyon.
Bilang pagpapahalaga din sa kalusugan ay nasambit ni Quiambao na naglaan sila na pondo upang maipagpatuloy ang pamimigay ng mga libreng bitamina, gamot, bakuna, laboratory tests, at iba pa para sa lahat ng pamilyang BayambangueƱo.
Habang sa sektor ng agrikultura ay mayroon ding Rice and Corn Banner Program kung saan ay sako sakong bigas, palay at mga fertilizer ang naibahagi para sa mga rice farmers gayundin ng Farm Machinery & Equipment para sa mga ito.
At sa usaping imprastraktura, ibinahagi niya ang pag-usbong ng mga proyekto sa bayan hindi lamang sa town proper kundi maging sa lahat ng 77 barangays gamit ang 20 % Development Fund.