Iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG)  chairman Rosendo So, na dapat isailim rin sa test ang mga processed meat  products at frozen  meat na ibinibenta dito sa lalawigan ng Pangasinan upang patunayang ligtas sa African Swine   Fever o  ASF.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan, sinabi  So na dapat  dumadaan din sa test ang mga  processed  meat na dinadala sa lalawigan.

Kung mapatunayan aniya positibo sa ASF  ang produkto  kailangan na maibalik sa point of origin o pinanggalinganan nito.

--Ads--

Dapat ding imonitor maging ang mga  processed meat  sa loob ng mga palengke.

Nanawagan sa publiko si So na huwag basta basta bibili ng mga processed meat at  tignan kung may certification na nagpapatunay na walang ASF. 

Matatandaan na naalarma ang publiko nang mapa-balitang maging ang mga processed meat products tulad ng hotdog, tocino at longganisa at apektado rin ng African Swine fever.