Nagnegatibo ang lahat ng police personnel at non-uniformed personnel (NUP) ng Asingan Police Station matapos ang isinagawang surprised mandatory drug test na inisyatibo ng alkalde ng nasabing bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Asingan OIC-COP PMAJ. Resty Ventinilla, hindi bababa sa 30 na mga personnel ng kanilang himpilan ang sumailalim sa nasabing surprised drug testing na isinagawa ng mga medical technologist ng Rural Health Unit o RHU.
Ito naman ang unang drug testing na isinagawa ngayong taong 2021 at maganda rin itong hakbang upang mas maiparating sa publiko lalo na sa kanilang nasasakupan na malinis ang hanay ng kapulisan at hindi nasasangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Samantala, sumailalim rin ang kanilang personnel sa regular swab testing para sa covid 19 at nag negatibo rin ang mga ito.