Sinariwa ang mga pinsalang dulot ng pananalasa ng bagyong Ondoy, partikular sa may bahagi ng Metro Manila bilang pag-alala sa ika 15 nitong anibersaryo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eufemio Agbayani III, isang Historical Sites Researcher ng National Historical Commission of the Philippines, naging malala ang dulot ng bagyo sa mga kababayan nito kung saan marami ang namatay at maraming mga ari-arian ang nasira.

Hindi rin daw inaasahan ang lapgas taong baha na dulot ng bagyo at labis na pinsala sa mga residente at mga ari-arian.

--Ads--

Aniya, masasabi niyang nagsilbing wake-up-call ang bagyong Ondoy sa mga Pilipino upang laging maging handa sa oras ng sakuna.

Sa kasalukuyan ay nakikita na umano ang kahandaan ng mga Pilipino sa mga sakuna, ngunit, marami pa aniyang maaaring gawin upang mas maging handa sa sakuna na dulot ng climate change.

Nanawagan din siya sa mga lokal na pamaalaan na pag-aralan ang environmental history sa kani-kanilang lugar, upang malaman ang pinakaligtas na lugar at maaaring pagkunan ng mga resources at evacuation kits na kailangang ihanda sa oras ng sakuna.

Aniya, nawa’y maging opurtunidad ng pag-alala sa anibersaryo ng bagyo upang magbalik-tanaw at magkaroon ng pagbubulay-bulay sa kahalagaan ng pagiging handa sa mga sakuna.

Matatandaang nanalasa ang bagyong Ondoy sa bansa noong September 26, 2009.