DAGUPAN, CITY—- Mahirap pang matukoy sa ngayon ng posibleng manalo sa darating na US Presidential Election sa pagitan ni US Pres. Donald Trump at ni dating bise presidente na si Joe Biden.

Ayon kay Bombo International Correspondent Gemma Sotto mula sa New York, USA sinabi nito na dahil sa kasalukuyang covid situation ng kanilang bansa kaya hindi din umano basta-basta matukoy kung sinong mas malakas sa dalawang kandidato.

Aniya, ang nais umano ng mga mamamayan doon, lalo na ang Filipino community sa naturang estado ay ang isang lider na kagaya umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

--Ads--
Tinig ni Bombo International Correspondent Gemma Sotto mula sa New York, USA

Ito ay sa kadahilanang may “brillant mind” umano ang presidente sa pamumuno ng ating bansa. Kaya naman saad ni Sotto na ito ang kanilang idinadalangin para sa kanila at sa susunod na mga taon.

Tinig ni Bombo International Correspondent Gemma Sotto mula sa New York, USA

Ngunit sa kanyang personal na opinyon, ang dalawang US presidentiables ay parehong mabuti kaya kung sino man aniya ang manalo sa kanila, ay nasa tao pa rin umano ang pagsisikap upang magkaroon ng magandang buhay sa kanilang bansa.