DAGUPAN CITY– Mabibigyan ng tulong pinasyal ang mga manggagawang pansamantalang nawalan ng trabaho sa bansang Belgium dahil sa umiiral ng lockdown doon upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng naitatalang kaso ng coronavirus disease.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jessica Lampitoc, OFW sa bansang Belguim na tubong Pangasinan, bagaman hindi umano sila lumalabas at ngayon ay wala munang pinagkakakitaan, ang pamahalaan ng naturang bansa ay nagbigay ng 202.68 euro na tulong pinansayal sa bawat pamilya doon bilang ayuda upang mabayaran ang mga bills ng mga ito sa tubig at kuryente.

Dagdag nito, nag-utos din ang mga opisyal ng nasabing bansa sa mga kumpanya roon na ibigay ang 70% kabuuang sahod ng mga empleyado nito.

--Ads--

Matatandaang March 20 pa nagsimula ang quarantine doon at aasahan hanggang Hunyo pa magtatapos ang umiiral na lockdown doon.

Aniya, sa ngayon ay wala pa umanong Pinoy na nahawaan o ng coronavirus sa bansang Belgium sa kabila ng dumadaming naitatalang kumpirmadong kaso sa naturang bansa.