Dagupan City – Naging mainit ang ginawang pagsalubong sa mga Pilipinong Atleta sa Paris 2024 Paralympic Games sa France ng mga Overseas Filipino Workers sa bansa.

Ayon kay Leo Brisenio, Bombo International News Correspondent sa France, nagpapakita ang torneong ito ng dedikasyon ng bawa’t manlalaro na ipakita ang kanilang lakas at kakayahan sa kabila ng kanilang kapansanan.

Bagama’t hindi matunong ang palaro kung ikukumpara sa naganap kamakailan na 2024 Paris Olympics, maganda naman aniya ang ipinapakitang mga creativity ng mga organizers sa Paris upang tumatak din ito sa mundo.

--Ads--

Ito rin kasi aniya ang kauna-unahang pagkakataon na Paris ang host ng palaro kung saan higit 4,400 atleta ang sasabak sa 22 sports sa loob ng 11 araw .

Kabilang na rito ang pambato ng bansa na sina para-swimmer Ernie Gawilan at para-archer Agustina Bantiloc mga teammates nito na sina Jerrold Mangliwan, Cendy Asusano, Angel Mae Otom, and Allain Ganapin.

Kasama nila ang mga coaches na sina coaches Gershon Bautista ng Taekwondo, Jonathan Josol ng track and field, Berson Buen sa archery, at Brian Ong ng swimming.