Very proud ang mga Pilipino sa United Kingdom sa pagbibigay ng George Cross Award sa Filipina-British nurse na unang nagturok ng COVID-19 vaccine sa England.
Ang George Cross ay siyang pinakamataas na civilian award na binibigay ng British government bilang pagkilala sa katapangan, pagiging mahabagin at dedikasyon ng mga empleyado sa panahon ng pandemya.
Ayon kay Francis Michael Fernando, Founding Director ng Filipino Nurses Association sa UK, napakalaking Filipino nurses association sa UK, nagdiriwang ang mga Filipino nurses sa pagkilala kay May Parsons, isa sa regional officer ng Filipino Nurses Association sa UK.
Saad ni Fernando, dati hindi napapansin ang mga Pilipio nurses sa National health Service o NHS sa UK pero sa ngayon ay napansin na rin ang kontribusyon ng mga manggagawa.
Matatandaan na tinanggap ng Filipino nurse ang George Cross award para sa health service mula kay Queen Elizabeth II nitong Martes, July 12, 2022. Si Parsons ang nurse na nagturok ng kauna-unahang COVID-19 vaccine sa England.
December 2020 nang i-administer ni May ang unang bakuna laban sa COVID-19 sa University Hospitals Coventry and Warcickshire (UHCW) NHS Trust.
Samantala, malaking karangalan kay Fernando nasa top 10 finalist sa Aster Guardians Global Nursing Award 2022 .
Sinabi nito na tinanggap niya ang award sa Dubai na personal na inabot ng prinsipe ng UAE.
Sa sampung napili sa buong mundo ay siya lang ang Filipino nurse na napili.