Payapa at ligtas ang mga Pilipinong nanatili sa Ukraine sa gitna ng bantang pag-atake ng Russia.

Ayon kay Bombo International Correspondent Joy Fernandez Tolentino, hindi umano nababahala ang mga Pilipino roon at normal ang kanilang sitwasyon.

Dagdag rin nito na nakikipag-ugnayan na rin sa kanila ang mga ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa Ukraine at aniya inabisuhan na rin umano na sila na huwag magpanic dahil sa kontrolado rin ang sitwasyon.

--Ads--

Aniya, wala rin anumang takot at pangamba ang kanilang nararamdaman kahit pa naglalabasan sa mga ulat sa girian ng dalawang bansa bagkos ay panatag ang mga residenteng naninirahan roon.

Handa rin umano sila kung sakaling magbaba ng kautusan ang gobyerno ng Pilipinas na lumikas kung saan pagsasaad din nito na mayroon na rin umano silang plano sa oras na sumiklab ang paglusob ng Russia.

Joy Fernandez Tolentino, BINC Ukraine

Matatandaang noong 2014, nagkaroon ng unang digmaan ang dalawang bansa matapos sakupin ng Russia ang isla ng Crimea at sa kasalukuyan ay nasa 100,000 mga sundalo ng Russia ang itinalaga sa border nila ng Ukraine