Nanguna sa pamamahagi ng tulong sa mga kapwa Pilipino ang isang pinay sa Malaysia.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Corazon Anlap Nadura, isang pinay sa Johor Bahru, Malaysia, bumuo sila ng puwersa doon para tumanggap ng mga donasyon na relief goods at pinamahagi sa mga kapwa nila Pilipino sa loob ng isang buwan at isang Linggo.

Ang mga donasyon ay mula rin sa mga kapwa pinoy, mga Chinese at embahada ng Pilipinas.

--Ads--

Ibinahagi ni Nadura ang kaawa awang situwasyon ng mga kababayang pinoy na nasa malalayong lugar.

Maraming Pilipino aniya ang No work No pay sa gitna ng covid 19 pandemic kung saan karamihan sa kanila ay mga construcion workers.

Kaya labis na nagpapasalamat ito sa lahat ng nagbigay ng donasyon.
Sa kabila ng situwasyon ay wala namang nagbabaak umuwi ng Pilipinas.

Karamihan aniya ay nakapag-asawa na doon kaya wala siyang mababalitaan na gustong umuwi sa bansa.